The Best Batangas Lomi

Ang lomi ay isa sa mga masasarap na pagkain ng Batangas. Pag sinabing Batangas, bukod sa bulalo at goto, palaging lomi ang tinatanong sakin ng mga bagong kakila. Saan na nga ba makikita ang pinakamasarap na Batangas lomi?  Ano nga ba ang loming batangas?


© Languagestratagem 2017 (kuha sa MR’s Lomi Tapsi, Rosario Batangas)


Ano nga ba ang kakaiba sa  Batangas lomi?

Unlike the usual lomi na alam natin, yung may gulay na lahok, ang Batangas lomi ay may itlog ng pugo,chicharon, atay, kikiam, at iba pang sangkap. Ito rin ay pinapasarap ng toyo, calamansi, bawang, at sibuyas na ikaw mismo ang magtitimpla or magtatansya ng lasa. Karamihan sa nakikita kong naglolomi sa ibang lugar sa Maynila sa mga Batangas lomi ang peg, hindi pinapansin ang toyo, calamansi, at sili na binibigay sa kanila sa lomian. Dahil siguro hindi nila alam na mas sasarap ito ayon sa kanilang panlasa pag sila mismo ang nagtimpla.
Pagdating sa usapang pinaka-masarap, isa sa marerekomenda kong lomian ay ang lomian sa aming lugar, sa Rosario Batangas, and MR’s  Lomi Tapsi. Siguradong maeenjoy nyo ang lomi lalo na ang Chami nila. Sikat itong kainan sa Rosario. Mas kilala sa tawag na sa may Kaimito malapit sa Mercury drug. Kung ikaw ay galing Maynila, baba ka ng Tambo exit sa Lipa, sakay ka ng Lipa palengke, baba ng sakayan pa Rosario, baba sa may Mercury drug, lakad ng konti hanggang sa unang kanto,liko sa kaliwa. Tapos derecho ka na ng San Juan pa Laiya para sa beach. 🙂
Sa lomian sa Rosario  kami madalas kumain ng aming pamilya at kaibigan kahit hindi ito ang bayan namin at medyo malayo samin, pero dahil nga mas masarap dito kaya ito ang marerecommend ko.
Madami ding masasarap ng lomian sa San Agustin, Ibaan, Batangas at Pangao, Ibaan, Batangas pati na din sa bayan ng Ibaan mismo . Pero dahil ang taste ay subjective,   maaring ang masarap sa iba ay nasa ibang lugar din sa Batangas.




Comments